Linggo, Oktubre 12, 2014

HISTORY


          Nasa isang kumpanya ako na nag seserve ng isa sa mga "BEST TASTING" fried chicken dito sa Pilipinas ng maisipan kong magresign, hindi dahil sa hindi ko na gusto ang trabaho ko, katunayan masaya ako sa trabaho kung yun, ngunit sa kadahilanang nagkaroon kami ng problema sa bahay na kailangan ng mas malaking sasahurin. Napagdesisyunan kong bumalik sa Singapore upang magbakasali muling makahanap ng aking mapagtatrabahuhan.


       Ako ay lumisan ng bansa dala-dala ang pag-asang makakahanap ako ng trabaho sa bansang paroroonan. Habang nag-iintay ng mga tawag para sa mga interview, natuon ang aking atensyon sa madalas kong panuoring show ang "CUPCAKE WARS."  Dito muling nabuhay ang aking kagustuhang mag-bake muli. Sa mga panahong nagtagal pa ako sa bansang iyon, lagi ko paring pinanood ang palabas na iyon, hangga't umabot ako sa puntong kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas dahil sa aking kabiguan.


           Nagbalik ako ng pinas na bigo ngunit buo ang loob sa aking plano, na makapagtayo ng business na may kinalaman sa cupcake... Eto ako ngayon at nagsisimula sa aking tinawag na "CUPCAKE OF A LIFETIME"...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento